MENU
1Sa pangunguna ni Bise Alkalde Bernardo Tovera ng Lokal na Pamahalaan ng Tagudin, Ilocos Sur, matagumpay na isinagawa ang AIDS Candlelight Memorial Day na may temang: “One Big Fight for Health and Rights of People Living with HIV”. Ang nasabing pagtitipon ay isinagawa sa bayan ng Tagudin noong Mayo 15,2022.

Kasamang nakilahok sa memorial day ang mga opisyal at miyembro ng Lakas Yakap Foundation; Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender, Queer, Intersex, Asexual Community; Sangguniang Kabataan; Bureau of Jail Management and Penology; Philippine National Police; Bureau of Fire Protection; Barangay Health Workers; Lacasandile Medical Clinic; HIV Treatment Hub, Rural Health Unit; Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office; at Department of Health.

2Hangarin ng naturang pagtitipon ang paggunita sa mga naging biktima, nawalan ng buhay, at patutuloy na nakikipaglaban sa sakit na HIV/AIDS; mabuksan ang kamalayan ng mga Tagudinians sa pagsulong ng mga serbisyong pangkalusugan na naayon para sa mga kababayang may HIV/AIDS.

3“I encourage everyone to have themselves regularly tested. If diagnosed with HIV, don’t think that it’s the end of everything. The LGU, RHU, LMDC, and other health partners are here to help. You can still live normally and there is still hope for you”, ayon sa mensahe ni Bise Alkalde Tovera.

4Ang AIDS Candlelight Memorial ay sinimulang gunitain sa buong mundo noong 1983 sa pangunguna ng mga taong namumuhay na may HIV. Simula noon ay libo-libong pagtitipon na ang ginaganap sa boung mundo bilang pagsuporta sa ganitong adhikain, kabilang ang lokal na pamahalaan ng Tagudin.